Pahayag ito ng DepEd matapos makatanggap ng mga katanungan kung sakop ba ng utos ang mga private school.
Ayon sa DepEd, bagaman mayroong kalayaan ang private schools na magpasya at magsagawa ng kanilang aksyon para makaiwas sa 2019-novel coronavirus, pinaaalahanan ang mga pamunuan ng pribadong paaralan na sumunod at sumuporta sa mga kampanya ng gobyerno upang malabanan ang sakit.
Sinabi ng DepEd na kahit pampublikong paaralan lamang ang kanilang nasasakupan, hinihimok nito ang mga pribadong paaralan na sundin ang mga paalala sa ilalim ng inilabas na memorandum.
Base sa memo ng DepEd, bawal muna ang mga off-campus activities gaya ng field trips para maiiwas ang mga estudyante sa mga matataong lugar.
Hakbang ito ng kagarawan kasunod ng banta ng 2019-nCoV sa bansa.