PUIs dahil sa nCoV, 215 na ayon sa DOH

Umakyat na sa 215 ang bilang ng mga itinuturing na patients under investigation (PUIs) ng Department pf Health (DOH)

Sa update sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na sa 215 na itinuring na PUIs, 57 ang nag-negatibo sa 2019-nCoV.

Hinihintay naman ang resulta sa pagsusuri sa 155 iba pa.

Ayon kay Domingo, mayroong 9 na tumangging magpasailalim sa quarantine sa ospital.

Sila ay pawang dayuhan, dahil sa natatakot umano silang malaki ang bayaran nila sa bill.

Ani Domingo, nakikipag-ugnayan sila sa LGUs para kumbinsihin ang 9 na magpatingin sa ospital.

Nananatiling tatlo ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa bansa kung saan isa ang nasawi.

Ang unang kaso ng nCoV sa bansa na isang babaeng Chinese ay nananatili sa pagamutan pero bumubuti naman na ang kondisyon.

Read more...