Ilang lansangan sa EDSA at iba pang bahagi ng QC sasailalim sa repair at reblocking

Ilang lansangan sa EDSA at iba pang bahagi ng Quezon City ang sasailalim sa road repair at reblocking ngayong weekend.

Alas 11:00 ng gabi ngayong Biyernes (Feb. 7) magsisimula ang reblocking ng Department of Pulic Works and Highways (DPWH).

Apektado ng reblocking ang sumusunod na mga lansangan:

A. BONIFACIO (southbound)
– Cloverleaf hanggang 11th Avenue, 1st lane mula sa sidewalk

EDSA (southbound)
– Bulakan Street hanggang West Avenue, 1st lane mula sa sidewalk
– Approach ng P. Tuazon flyover hanggang approach ng A. Boni Serrano flyover, 2nd lane mula sa MRT

EDSA (northbound)
– Lagpas ng Aurora Blvd., hanggang New York Street, 3rd lane mulasa sidewalk

GENERAL LUIS STREET (eastbound)
– Samote Street to SB Diversion Road

ELLIPTICAL ROAD (westbound)
– mula Kalayaan Avenue hanggang Maharlika Street, 6th lane mula sa outer sidewalk

Tatagal ang repair at reblocking hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes (Feb. 10).

 

Read more...