Sevilla Bridge sa Mandaluyong isasara sa mga motorista sa Sabado ng gabi hanggang Linggo ng umaga

Ilang oras na isasara sa mga motorista ang Sevilla Bridge sa Mandaluyong City simula Sabado (Feb. 8) ng gabi hanggang Linggo (Feb. 9) ng umaga.

Sisimulan ang pagsasara alas 10:00 ng gabi ng Sabado hanggang alas 5:00 ng umaga ng Linggo.

Ito ay dahil sa gagawing paglilipat ng mga equipment gaya ng barges at cranes ng contractor para sa Skyway Stage 3 Project.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing kalsada sa nabanggit na mga oras para hindi maabala.

Read more...