Miyembro ng NPA na wanted sa kasong murder arestado sa Albay

Isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang naarestp sa Daraga, Albay.

Ayon kay Police Capt. Dexter Panganiban, tagapagsalita ng Albay Provincial Police, dinakip si Salvador Fulgar sa Barangay Anislag dahil sa kasong murder.

Matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad si Fulgar.

Wanted si Fulgar at apat pa niyang kasamahang rebelde sa pagpatay kay Army First Class George Rey Murillo sa Anislag Market noong Nov. 18, 2017.

Read more...