Ayon sa founder at CEO ng “Bulletproof Diet” na si Dave Asprey, nakapagpapalakas ito ng enerhiya, nakapagpapatalas ng memorya at nakakatulong sa pagbibigay atensyon sa mahahalagang bagay.
Ang sinasabing ikinaganda ng nasabing diet na sinimulan ni Asprey, ay ang pagkaka-alis na umano ng mycotoxins sa coffee beans.
Ang mycotoxins ay molds na nabubuo sa ilalim ng proseso ng fermentation process.
Bukod dito, dinagdagan pa ito ng butter mula sa mga baka na kumakain lang ng damo, at medium-chain triglycerides (MCT) oils.
Pinaghalo ang mga nasabing sangkap na nagresulta ng creamy at matamis na inuming parang milk shake.
Dagdag pa ni Asprey, kapag uminom ng isa o dalawang ganito, hindi ka agad magugutom at may sapat kang enerhiya na hindi galing sa asukal.
Bagaman popular na ito sa Amerika, maging sa ilang artista, duda pa rin ang mga doktor dito lalo na sa nutritional value ng nasabing diet.
Dahil dito, isinama ng British Dietetic Association ang Bulletproof Diet sa listahan ng top 10 celebrity diets to avoid for 2016, kasama ang kwestyonableng “all kale” at “chewing gum” diet.
Labis kasing ipinag-aalala ng mga doktor ay ang pag-iwas ng mga tao na kumain ng masustansyang pagkain, lalo na ang pag-kain ng almusal.
Hindi man kumbinsido ang mga doktor sa benepisyo nito sa kalusugan, nanindigan si Asprey na proven na ang kaniyang formula.