Mga pasaherong dumarating sa bansa pinaalalahanang sagutan ng tama ang tatlong passenger cards

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga pasaherong dumarating mga paliparan sa bansa na tiyaking nasasagutan ang mga information form na ibibigay sa kanila.

Mayroong tatlong uri ng passenger card na ibinibigay sa mga pasahero.

Kabilang dito ang “Health Card” na mula sa Bureau of Quarantine, ang “Arrival Card” na mula sa Bureau of immigration at ang “Declaration Card” na mula sa Bureau of Customs.

Ayon sa BI, mahalagang masagutan ng tama at kumpleto ng lahat ng dumarating na pasahero ang naturang mga card.

Ngayong mayroong banta ng 2019-novel coronavirus sa bansa, kailangan ang mahahalagang impormasyon ng mga pasahero sakaling kailanganing magsagawa ng contact tracing.

Read more...