Clark International Airport naghahanda na sa pagdating ng mga Pinoy mula Hubei Province

Inihahanda na ang Clark International Airport para sa pagdating doon ng 45 Pinoy mula sa Hubei Province sa China.

Sa ilalim ng inilatag na protocol sa paliparan, ang mga Pinoy na darating galing Hubei ay hidni idadaan sa passenger terminal area.

May itinalagang bahagi ng airport kung saan sila padadaanin.

Pagbaba nila sa paliparan ay isaisailalim sila sa inspection process ng mga opisyal ng Bureau of Quarantine at Bureau of Immigration.

Pagkatapos nito ay isasakay sila sa bus na magdadala naman sa kanila sa New Clark City sa Tarlac kung saan sila sasailalim sa 14-day quarantine period.

Read more...