Pinoy crew ng cruise ship sa Japan na tinamaan ng 2019- nCoV bumubuti ang kondisyon

Positibo ang tugon sa gamutan ng isang Filipino crew ng isang Japanese cruise ship na naapektuhan ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Ayon kay Robespierre Bolivar, deputy chief of mission ng Philippine Embassy sa Tokyo, naibaba na ng barko ang Pinoy at nailiipat na siya sa ospital.

Tiniyak ni Bolivar na araw-araw ay nakakakuha ng update ang embahada sa kalagayan ng Pinoy.

Ang naturang Pinoy ay kabilang sa unang 10 sakay ng barko na nagpositibo sa 2019-nCoV.

Una nang sinabi ng embahada na mayroong 538 na Pinoy sa barko at karamihan dito ay crew.

Read more...