Repatriation Team ng DFA nasa Wuhan City na

Apatnapu’t lima ang kumprimadong bilang ng mga Pinoy na nagpatala para umuwi sa Pilipinas galing Hubei Province China.

Nasa Wuhan City na ang Repatriation Team ng Department of Foreign Affairs (DFA) para isapinal ang pagpapauwi sa mga Filipino mula Hubei.

Nakipagpulong na ang mga opisyal mula sa Philippine Consulate General office sa Shanghai sa mga miyembro ng Filipino community sa Wuhan at sa Foreign Affairs Office sa Hubei Province.

Mayroon pang dagdag na team mula sa DFA Office ang darating sa Wuhan para tumulong sa repatriation.

Sa ngayong 45 ang kumpirmadong sasailalim sa repatriation.

Pagdating sa bansa, agad silang dadalhin sa New Clark City sa Tarlac at doon ay sasailalim sila sa 14 days na mandatory quarantine.

Read more...