118 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 118 na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, pawang mahihina lamang ang naitalang pagyanig at hindi naramdaman.

Pero ang patuloy na pagyanig na naitatala ayon sa Phivolcs ay senyales ng nagpapatuloy na magmatic activity sa loob ng Bulkang Taal na maaring mauwi pa rin sa pagsabog nito.

Sa nakalipas na magdamag, nagkaroon ng moderate emission ng kulay puti hanggang dirty white na steam-laden plumes na ang taas ay 200 hanggang 300 meters.

Ayon sa Phivolcs nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Taal Volcano.

Pinapayuhan ang publiko na maari pa ring magkaroon ng mahihinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions sa Taal.

Read more...