M3.8 na lindol naitala sa Jose Abad Santos, Davao Occidental

Nakapagtala pa ng magnitude 3.8 na aftershock sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig alas 7:20 ng umaga ngayong Biyernes (Feb. 7).

Ang epicenter ng lindol ay sa 93 kilometers southeast ng Jose Abad Santos.

May lalim itong 13 kilometers at tectonic ang origin nito.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.

Bago ito, 5:31 ng umaga ay nakapagtala ng magnitude 3 na lindol sa bayan pa rin ng Jose Abad Santos.

Read more...