Antas ng tubig sa Angat dam nabawasan pa

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Feb. 7 ay nasa 202.16 meters ang antas ng tubig ng dam.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam na nasa 100.13 meters na lang gayundin ang La Mesa dam na nasa 77.75 meters.

Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Nadagdagdan naman ng bahagya ang antas ng tubig sa Binga dam habang walang pagbabago sa water level ng Caliraya.

Read more...