Diamond Princess tiniyak ang pangangalaga sa mga pasahero at crew nilang naka-quarantine sa Japan

Tiniyak ng kumpanyang Diamond Princess na napangangalagaan ang nasa 3,700 na sakay ng kanilang barko na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Naka-quarantine sa loob ng barko ang lahat ng sakay nito matapos na mayroon nang 20 ang magpositibo sa novel coronavirus.

Ayon sa pahayag ng Diamond Princess, sinusuplayan sila ng pagkain at inumin sa kanilang kwarto.

Ang mga guests na nasa non-balcony state rooms ay pinapayagang makalakad-lakad at makalanghap ng fresh air pero hindi sabay-sabay kundi rotating basis.

Binigyan din ng dagdag na entertainment options ang mga pasahero para hindi sila mainip habang naka-quarantine.

Maliban sa telebisyon, pinagkalooban sila ng mga pelikulang maaring panoorin, audiobooks, exercise videos, arts and crafts, board games at card games.

Read more...