14.8 degrees Celsius na temperatura naitala sa Baguio City ngayong umaga

Nabawasan na ang lamig na nararanasan sa Baguio City at iba pang bahagi ng bansa dulot ng Amihan.

Alas 5:00 ng umaga ngayong Biyernes, Feb. 7 ay nakapagtala lamang ng 14.8 degrees Celsius na temperatura sa Baguio.

Kahapon ay 13.8 degrees Celsius naman ang ang naitalang temperatura sa lungsod.

Higit na mataas kumpara sa mga naitalang temperatura noong February 1 na 10.6, 10.8 noong February 3 at 10.5 noong February 5.

Read more...