CALAX maniningil na ng toll simula sa Feb. 10

Simula sa February 10, 2020 ay maniningil na ng toll sa CALAX o Cavite Laguna Expressway.

Ayon sa abiso ng Metro Pacific Tollway, P47 ang bayad sa toll para sa mga class 1 na sasakyan; P95 sa class 2 at P143 sa class3.

Ang halaga ng toll ay base sa inaprubahan ng Toll Regulatory Board na pagpapatupad ng provisional toll fee sa CALAX.

Ang unang 10-kilometer segment ng CALAX ay nagbukas para sa partial operation noong October 30, 2019 para magamit ng mga motorista sa kasagsagan noong Undas.

Nagsimula itong mag-operate ng 24/7 noonng December 21, 2019 para naman sa Christmas season.

Simula nang magbukas ay umaabot sa 6,000 sasakyan ang dumaraan sa CALAX kada araw.

Alternatibo itong daan patungo sa at galing sa Binan at Santa Rosa, Laguna, at mula at patungong Tagaytay at Silang, Cavite.

Read more...