Nasawi sa novel coronavirus umakyat na sa 638


Umakyat na sa 638 ang bilang ng mga nasawi sa sakit na novel coronavirus.

Sa nasabing bilang 636 ang nasawi sa China, habang tig-isa sa Hong Kong at Pilipinas.

Sa nakalipas na magdamag ay 73 ang nasawi sa China kabilang ang isang duktor.

Pumalo naman na sa mahigit 31,000 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Malaking bilang nito ay mula sa China habang ang iba pa ay sa 27 pang mga bansa sa mundo.

Maliban sa China, kabilang sa mga bansa na nakapagtala na ng mga kaso ng 2019-nCov ay ang mga sumusunod:

Japan: 45
Singapore: 30
Thailand: 25
Hong Kong: 24
South korea: 23
Taiwan: 16
Australia: 15
Malaysia: 14
Germany: 13
Vietnam: 12
USA: 12
Macau: 10
France: 6
UAE: 5
Canada: 5
Philippines: 3
India: 3
UK: 1
Italy: 2
Russia: 2
Sweden: 1
Finland: 1
Nepal: 1
Cambodia: 1
Sri lanka: 1
Belgium: 1
Spain: 1

Read more...