Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang pasilidad ay inialok ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Ang mga uuwing OFWs ay ididiretso sa athlete’s village ng New Clark City.
Kada tao ay pagkakalooban ng isang kwarto habang sila ay naka-quarantine.
Limitado lang din ang magiging galaw nila sa loob ng gusali.
Araw-araw silang ipaghahanda ng pagkain na dadalhin sa pasilidad.
Ayon kay Foeign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, ang unang batch ng mga uuwing OFW ay aalis sa China sa Sabado at inaasahang darating sa bansa sa Linggo ng umaga.