Meralco magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente

Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon sa Meralco, mararamdaman ang P0.59 kada kilowatt hour (kWh) na bawas-singil sa darating na bill ngayong buwan.

Para sa mga komukonsumo ng 200 kWh ay may bawas sila na P118 sa bill, kapag 300 kWh ang konsumo may bawas na P177, P236 naman sa mga komukonsumo ng 400 kWh, at P295 para sa mga komukonsumo ng 500 kWh.

Ang pagbaba ng singil ay dahil sa mababang halaga ng kinontratang kuryente at bentahan sa sport market.

Read more...