OFW sa Dubai patay sa coronavirus

Patay ang isang 58 anyos na Filipina household service worker sa Dubai dahil sa coronavirus.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, base sa report ng kanilang labor attache’ sa Dubai, nasawi ang naturang Filipina dahil sa coronavirus.

Aminado ang kalihim na hindi malinaw sa kanya kung novel coronavirus ito basta’t ang nabasa anya niya sa report ay coronavirus ang ikinasawi ng naturang Filipina.

Ayon sa kalihim, 28 taon nang nagtatrabaho sa Dubai ang nasabing Filipina bilang household service worker hanggang sa magkasakit ito at mamatay.

Tubong General Santos ang naturang Filipina.

Inaasikaso na ang pagpunta sa Dubai ng babaeng anak ng nasawing OFW para sa repatriation ng mga labi.

Read more...