Ayon kay Presidential Security Group Commander Brigadier General Jose Eriel Niembram, sakop din ng kautusan ang mga cabinet secretaries maging ang mga security detail ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga tanong sa health declaration ang pangalan, nationality, kasarian, edad, contact number, email address at address sa Pilipinas.
Tinatanong din sa health declaration form kung bumisita, nagtrabaho o nag-transit sa ibang bansa sa nakalipas na labing apat na araw.
Tinatanong din sa health declaration form kung nagkasakit sa nakalipas na tatlumpong araw gaya ng lagnat, ubo, sipon, sore throat o nahirapang huminga.
Tinatanong din kung nagkaroon ng close contact sa farm animal o na expose sa wild animals sa nakalipas na labing apat na araw.
Ayon kay Niembra, iiral ang health declaration from hanggat hindi binabawi ng Office of the President Events Management Cluster at ng Department of Health ang health protocol.