Gayundin ang pagtatatag ng fully-operational hospital na magbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga senior citizen.
Ito aniya ay sa gitna ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus na sinasabing mataas ang banta sa mga nakakatanda.
Ayon kay Abante nakikita ngayon ang pangangailangan para sa isang national health center na mangangalaga sa mga lolo’t lola.
Binanggit ni Abante na sa mahigit 500 na kumpirmadong namatay sa China dahil sa nCoV, nasa 80 porsiyento ay mahigit 70 anyos na.
Sa pinakahuling impormasyon mula sa Department of Health (DOH), ang ikatlong kaso ng nCoV sa Pilipinas ay isang 60-anyos na babaeng Chinese.