Cabinet secretaries sakop din ng health safety protocols sa Malakanyang

Maging ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi rin nakaligtas sa ipinatutupad na health safety protocols bilang tugon sa 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, bago pa man nagsimula ang cabinet meeting noong Martes ng gabi, isa-isang isinalang sa thermal scanner ang mga cabinet officials.

Sinuri aniya ng Presidential Security Group kung may lagnat ang isang opisyal.

Hindi naman nakita ni Nograles kung kasama si Pangulong Duterte ay sumalang sa thermal scanner.

Una rito ipinag-utos ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa lahat ng tanggapan ng ehekutibo na sumunod sa mga panuntunan na itinakda ng DOH para makaiwas sa novel coronavirus.

Read more...