20 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Caloocan

Aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Grace Park sa Caloocan City.

Nagsimula ang sunog sa kanto ng M. Hizon at 10th Avenue sa Brgy. 63.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog.

Inaalam pa ng Caloocan Fire Bureau kung ano ang pinagmulan ng apoy, pero ayon sa mga residente, sa bahay ng isang Felly Molina nagsimula ang sunog.

Mayroon namang isang naitala na nasugatan.

Read more...