Red rainfall warning nakataas na sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan

Nakataas na ang red rainfall warning sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa nararanasang malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan.

Sa heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 9:50 ng umaga red warning level na ang nakataas sa Surigao del Norte, Agusan del Norte at sa mga bayan at lungsod ng Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, Tandag City, Tago, at San Miguel sa Surigao del Sur.

Orange warning level naman ang nakataas sa Dinagat Islands at sa mga bayan ng Sibagat at Bayugan City sa Agusan del Sur.

Pinakikilos na ng PAGASA ang mga local disaster risk reduction and management council sa mga apektadong lugar hinggil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Read more...