Pinakamalaking award sa SAG awards, nakuha ng “Spotlight”

 

Mula sa Google

Nasungkit ng pelikulang “Spotlight” ang pinakamalaking parangal sa 22nd Screen Actors Guild (SAG) Awards na ginanap sa Los Angeles, araw ng Sabado sa Amerika.

Pinarangalang “best ensemble in a film” ang Spotlight na isang drama tungkol sa sexual abuse sa Simbahang Katolika. Ito ang katumbas ng best picture award sa Oscars.

Ang SAG ay talagang inaabangan lalo’t kadalasan itong nagbibigay ng pahiwatig kung sinu-sino o anu-ano ang mga mananalo sa Academy Awards o Oscars.

Nangibabaw ito sa mga kalaban na “Beasts of No Nation,” “The Big Short,” “Straight Outta Compton,” at “Trumbo.”

Nanalo namang best actor si Leonardo DiCaprio dahil sa kaniyang pagganap sa pelikulang “The Revenant.”

Sa best actress category naman, ibinigay ang parangal kay Brie Larson ng pelikulang “Room.”

Ngunit bukod sa mga artistang dumalo sa SAG, mas naging kapansin-pansin ang dami ng mga black actors na kinilala rin at nabigyang parangal dito.

Ito’y kasunod ng kontrobersyang kinasangkutan ng Oscars na binatikos dahil sa kawalan umano ng diversity sa listahan ng mga nominado.

Read more...