Sa inilbas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 8:06 ng umaga red warning level na ang umiiral sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, Leyte, Southern Leyte at Biliran.
Ayon sa PAGASA matinding pagbaha ang maaring maranasan sa mabababang lugar.
Ang mga residente naman sa bulubunduking lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagguho ng lupa.
Orange warning level naman ang nakataas sa Siquijor.
Inabisuhan na ng PAGASA ang mga local disaster risk reduction and management council sa mga apektadong lugar na gawin na ang karampatang aksyon bunsod ng nararanasang pag-ulan.
MOST READ
LATEST STORIES