Pagdating ng mga Pinoy na ililikas mula China maaring maantala pa

Maaring maantala pa ng ilang araw ang pagdating sa bansa ng nasa 40 hanggang 50 na Filipino galing China.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, sa halip na sa Sabado (Feb. 8) ay baka maantala ng 1 o 2 araw pa ang pag-uwi ng mga Pinoy.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Duque na maraming proseso na kailangang pagdaanan sa China para sa pagpapauwi ng mga Filipino.

Ani Duque personal niyang sasalubungin ang mga uuwing Pinoy.

Samantala, kahapon ininspeksyon ni Duque ang pasilidad sa Laur, Nueva Ecija na pagdadalhan sa mga uuwing Pinoy para doon sila isailalim sa quarantine.

Sa ngayon ani Duque ay handa naman na ang Fort Magsaysay at kakabitan na lamang ng suplay ng tubig.

Read more...