132 na volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 132 nan volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, pawang mahihina lamang naman ang naitalang mga pagyanig at hindi naman naramdaman.

Pero paalala ng Phivolcs sa mga residente, ang patuloy na naitalalang lindol ay senyales ng paggalaw ng magma sa loob ng Taal.

Samantala sa magdamag, nagkaroon ng weak emission ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 50 hanggang 100 meters.

Masyado namang mababa ang naitalang Sulfur dioxide (SO2) emission sa bulkan kaya hindi na ito na-detect ng instrumento ng Phivolcs.

Nananatiling nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Taal Volcano.

Read more...