Kumalat na balita na may kaso ng nCoV sa PGH peke ayon sa DOH

Peke ang kumakalat na balita na mayroong kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon sa Department of Heath (DOH) peke ang impormasyon kaya hindi na ito dapat ipinakakalat pa ng publiko.

Base sa kumalat na mensahe sa social media, pinag-iingat ang publiko dahil mayroon na umanong kumpirmadong kaso ng ng 2019-nCoV sa PGH.

Payo ng DOH sa publiko kung may matatanggap na ganitong mga mensahe ay huwag nang i-forward at huwag nang i-share sa kanilang Facebook wall.

Tanging sa Facebook page lamang ng DOH inilalagay ang mga kumpirmadong impormasyon at datos tungkol sa nCoV.

Read more...