Nasawi sa novel coronavirus umakyat na sa 564

Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nasasawi sa novel coronavirus.

Sa latest na datos, umabot na sa 564 ang bilang ng mga nasawi, makaraang makapagtala ng 72 na nasawi sa China sa nakalipas na magdamag.

Sa 564 na nasawi, 562 ay mula sa China, 1 ang nasawi sa Hong Kong at 1 ang nasawi sa Pilipinas.

Umabot na sa 27,649 ang bilang ng naitatalang kaso ng sakit, 27,405 dito ay mula sa China.

Nakapagtala ng isang bagong kaso sa Estados Unidos kaya umabot na sa 13 ang kumpirmadong nCoV cases sa Amerika.

Sa Singapore, 4 ang naitalang bagong kaso ng sakit kabilang ang isang 6 na buwang gulang na sanggol na anak ng mag-asawang infected ng virus.

 

Read more...