Yellow warning nakataas sa ilang lalawigan sa Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Visayas dahil sa pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area.

Alas 5:41 ng umaga ngayong Huwebes (Feb.6) itinaas ang yellow warning level sa Cebu, Bohol, Southern Leyte at Leyte.

Ito ay bunsod ng malakas at patuloy na buhos ng ulan na nararanasan sa nasabing mga lalawigan.

Ayon sa PAGASA, maaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar ang nararanasang pag-ulan.

Read more...