Eroplano sumadsad sa Istanbul Airport, 3 patay mahigit 179 ang sugatan

(UPDATE) Tatlo ang nasawi habang sugatan ang 179 pa nang sumadsad ang isang eroplano sa bahagi ng Istanbul Airport sa Turkey.

Nagliyab ang eroplano at nahati sa tatlo matapos makalapag.

Ayon kay Istanbul Gov. Ali Yerlikaya, ang Boeing 737 na Pegasus Airlines ay may sakay na 183 na pasahero at mga crew.

Nakararanas nang hindi magandang panahon sa lugar nang mangyari ang insidente.

Read more...