U.S. President Donald Trump acquitted sa lahat ng impeachment charges

(AP Photo/ Evan Vucci)

Acquitted si U.S. President Donald Trump sa lahat ng articles of impeachment na isinampa laban sa kaniya.

Nagdesisyon ang mayorya ng U.S. senate na ipawalang sala sa impeachment charges si Trump sa isinagawang botohan.

Para sa article 1 (abuse of power) ng impeachment 48 na senador lamang ang bumoto ng guiltly at 52 naman ang bumoto ng not guilty pabor kay Trump.

Sa article 2 (obstruction of Congress) naman, 47 na senador ang bumoto ng guilty at 53 ang bumoto ng not guilty.

 

Read more...