M3.7 na lindol tumama sa Kiblawan, Davao Del Sur

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Kiblawan sa Davao del Sur.

Naitala ang pagyanig sa layong 7 kilometers southeast ng Kiblawan alas 2:23 ng madaling araw ng Huwebes, Feb. 6.

17 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang instrumental intensities na Intensity IV sa Malungon Sarangani, Intensity III sa Kidapawan City; at Tupi, South Cotabato at Intensity I sa Alabel, Sarangani; General Santos City at Koronadal City.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.

 

Read more...