Bulkang Mayon nakitaan ng crater glow

Sa nakalipas na dalawang araw nakapagtala ng crater glow sa Bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs, ang pagkakaroon ng crater glow sa bulkan ay maaring senyales ng pag-akyat ng magma mula sa loob nito.

Simula noong March 2018 kung kalan magkaroon ng magmatic eruption ang bulkan ay bumaba na ang aktibidad ng Mayon.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Mt. Mayo na ibig sabihin ay patuloy ang moderate level ng unrest nito.

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6 kilometer-radius danger zone o sa 7-kilometer radius extended danger zone ng Mt. Mayon.

Read more...