Filipino seafarer kabilang sa nagpositibo sa nCoV sa cruise ship na naka-quarantine sa Japan

Kabilang ang isang Pinoy seafarer sa 10 katao na nagpositibo sa novel coronavirus sa isang cruise ship na nakadaong sa Japan.

Ito ay base sa inilabas na pahayag ng cruise operator na Diamond Princess.

Ang iba pang nagpositibo sa 2019 nCoV ay kinabibilangan ng isang American, Australians, Japanese, at Chinese nationals mula Hong Kong.

Ang Pinoy seafarer at iba pang nagpositibo ay ibababa sa barko ng Chinese Coast Guard para madala sa ospital.

Mananatili namang naka-quarantine sa loob ng 14 na araw ang nasa 3,700 na pasahero at crew ng barko.

Sa ngayon hinihintay pa ang resulta sa isinagawang pagsusuri sa mahigit 100 pang pasahero.

Ang barko ay dumaong sa Yokohama Japan at agad isinailalim sa quarantine.matapos matuklasan na isang pasahero nito galing Hong Kong ang positibo sa coronavirus.

Read more...