Tatlong lalaki arestado matapos mahulihan ng marijuana sa Pasay City

Arestado ang tatlong lalaki makaraang mahulihan ng marijuana sa Pasay City.

Nagkasa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Arnaiz-Taft Police Community Precinct sa Tramo St. Brgy. 64 Pasay City Huwebes (Feb. 6) ng madaling araw.

Nadakip ang mga suspek na sina Jeremy Atienza, Wilson De Jose, at Jhonell Dave Olayres.

Sina De Jose at Olayres ay kapwa nasa drug watchlist ng pulisya.

Nakumpiska sa kanila ang 311 na gramo ng marijuana na tinatayang aabot sa P37,000 ang halaga.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...