Canadian sa Bacolod nag-negatibo sa nCoV

Negatibo sa novel coronavirus ang isang 43 anyos na Canadian na na-admit sa ospital sa Bacolod City.

Sa isinagawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), lumabas na negatibo sa 2019-nCoV ang pasyente.

Nakatakda na rin itong palabasin ng ospital ayon kay Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson.

Ang dayuhan ay naka-base sa Kabankalan City sa Negros Occidental at dumating sa Pilipinas galing Taiwan.

Dinala ito sa ospital noong Biyernes dahil sinisipon.

Mayroon pang dalawang persons under investigation (PUIs) na nasa isolation room sa ospital sa Bacolod at hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri mula sa RITM.

Ito ay kinabibiangan ng isang 12 anyos na batang babae at ang isang babaeng OFW mula Hong Kong.

\

Read more...