June Mar Fajardo hindi muna makakalaro dahil sa bali sa binti

Hindi muna mapapanood sa Philippine Cup ng PBA si Jume Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

Kinumpirma ng Beermen sa isang statement na mayroong shin injury si Fajardo at hindi pa alam kung kailan ito makababalik sa laro.

Kahapon, February 4 sumailalim na sa surgery si Faardo na naging matagumpay naman ayon sa SMB.

May mga isasagawa pang post-operation rehabilitation kay Fajardo para tuluyan siyang maka-recover.

Malaking kawalan sa Beermen si Fajardo lalo pa at tinatarget nito ang ikaanim na sunod na kampeonato sa Philippine Cup.

Read more...