Pinatitiyak ni Pangulong Benigno Aquino III na mabubuo ang isang peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF kahit hindi na siya ang pangulo ng bansa sa kanyang pagbaba sa puwesto sa June 2016.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., inatasan na ni Pangulong Aquino ang kanyang Gabinete upang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga consultation at mga meeting sa mga stakeholder upang matiyak na maipagpapatuloy ang peace process.
Paliwanag aniya ni chief peace negotiator Teresita Ging Deles na nakatakda nang pagpulungan ng MILF at pamahalaan ang mga mekanismo sa pagbabago sa isang Bangsamoro entity sakaling matuloy na ang peace accord.
Ang BBL ay itinuturing nang ‘patay’ sa Kongreso dahil sa kakapusan ng panahon para isulong pa ito.
Layon sana ng batas na mabuo ang isang ‘Bangsamoro’ sa Mindanao na pamumunuan ng mga Muslim.
Gayunman, naudlot ng todo-todo ang pagsusulong ng naturang panukalang batas matapos ang Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 na SAF commandos.