Pumanaw ang ama ni multi-awarded theather actress Lea Salonga at dating Subic Bay Metropolitan Authority chief na si Feliciano Salonga sa edad na 85 anyos noong Biyernes, January 29.
Sa Twitter account ni Lea, ay kanyang ipinost ang obituary ng kanyang ama mula sa isang pahayagan kasama ang caption na ‘Rest in peace, dad.”
Kasalukuyang nasa New York si Lea bilang isa sa mga bida sa Broadway play na “Allegiance.”
Pinamunuan ni Feliciano Salonga ang SBMA simula 2006 hanggang 2013.
Nagtapos ng kursong Marine Engineering si Feliciano sa US Merchant Marine Academy sa New York at MBA degree holder siya sa University of th Philippines.
Hindi naman nabatid kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng nakatatandang Salonga.
Matatandaang isa si Salonga sa mga top SBMA official na kinasuhan ng Office of the Ombudsman dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft ang Corrupt Practices Act noong 2014.