Health workers na frontliners sa nCoV dapat bigyan ng hazard pay

Pinabibigyan ni House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairman at Iligan City Rep. Frederick Siao sa gobyerno ng hazard pay ang mga frontliners na direktang tumutugon sa 2019 nCoV-ARD.

Ayon kay Siao, nararapat lamang na mabigyan ng hazard pay ang mga health workers dahil ang mga ito ay may direktang risk o panganib dahil sila ang unang humaharap sa mga posibleng carriers at pasyente ng nCoV-ARD.

Nanawagan na rin si Siao sa Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC) na agad itong aksyunan.

Bagaman batid ni Siao na limitado lamang ang hazard pay, pinatutukoy nito sa mga otoridad ang dapat lamang na makatanggap nito.

Welcome naman sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kung mayrong gagawa ng inisyatibong dagdagan ang hazard pay ng mga health workers na direktang may kontak o tumutugon sa mga pasyenteng nagpositibo at kasalukuyang ginagamot sa 2019 nCoV ARD.

Read more...