Tatlong barko mula China hindi pinayagang makadaong sa Dumaguete Port

Tatlong barko na galing sa China ang hindi pinayagan na makadaong sa Dumaguete Port sa Negros Oriental.

Ayon sa Coast Guard Station sa Negros Oriental, pawang pag-aari ng Industry Movers Corporation (IMC) ang tatlong barko.

Ang MTUG IMC 18, BARGE IMC 19 at BARGE IMC 20 ay pawang Chinese made na dapat ay dadaong sa Dumaguete Port kagabi (Martes, Feb. 4).

Wala namang dalang cargo ang tatlong barko at dinala lang sana sa pantalan para sa pag-refurbish.

Ayon kay Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo, Chairperson ng Agency Task Force on Coronavirus, hindi rin papayagang makababa ng barko ang mga crew nito

Galing Taizhou, China ang tatlong barko at naglayag patungong Dumaguete.

Read more...