Lola nahulihan ng P2.5M na halaga ng ilegal na droga sa Cebu City

Arestado ang isang 61 anyos na lola makaraang mahulihan ng P2.5 million na halaga ng ilegal na droga sa Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Joyce Lepiten Rubi na nadakip ng mga otoridad sa Sitio Upper Cogon, Barangay Labangon matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng City Intelligence Branch ng Cebu City Police Office.

Nakumpiska kay Rubi ang 370 na gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P2.5 million.

Sa panayam ng mga pulis kay Rubi, inamin nitong napilitan syang pasukin ang pagbebenta ng ilegal na droga dahil nais niyang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga apo.

Tanging ang paglalabada lamang kasi ang kaniyang ikinabubuhay.

Nakakulong na ngayon si Rubi sa detention facility ng CCPO.

Read more...