2.9 percent inflation naitala noong buwan ng Enero

Bahagyang bumilis ang pagtaas sa presyo ng bilihin sa nitong nagdaang buwan ng Enero 2020.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nakapagtala ng 2.9 percent na inflation rate noong Enero, mas mataas kumpara sa 2.5 percent noong December 2019.

Pero kung ikukumpara noong January 2019 na mayroong 4.4 inflation rate ay higit na mababa ang January 2020 inflation.

Ang mabilis na inflation noong nagdaang buwan ay bunsod ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, sigarilyo at alak.

Nananatili namang pasok sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang naitalang January inflation.

Read more...