156 na pagyanig naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

Umabot sa 156 na pagyanig ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa Phivolcs, mahihina lamang ang naitalang volcanic earthquakes at hindi naman naramadaman

Sa nakalipas na magdamag, patuloy din sa pagbubuga ng mahinang steam-laden plumes ang bukan na mayroong taas na 50 hanggang 100 meters.

Ayon sa Phivolcs ang patuloy na mga naitatalang pagyanig ay dahil pa rin sa magmatic activity sa loob ng Taal.

Ang inilalabas na Sulfur dioxide (SO2) ng bulkan ay umabot sa 55 tonnes/day ang average.

Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Taal Volcano at ayon sa Phivolcs, maari pa ring magkaroon ng mahihinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.

Read more...