Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya, 700 pasahero pinababa sa Ayala Station

Nakaranas ng aberya ang mga pasahero sa biyahe ng Metro Rail Transit – 3.

Ayon sa abiso ng DOTr-MRT-3, pinababa ang nasa 700 pasahero ng isa nilang tren sa Ayala Station northbound.

Ito ay makaraang magkaroon ng door failure ang isa nilang tren.

Nangyari ang insidente alas 7:18 ng umaga ng Miyerkules (Feb. 5)

Agad namang napasakay sa kasunod na tren ang mga pasaherong apektado.

Read more...