Mag-asawa patay sa sunog sa Novaliches, QC

Nasawi ang mag-asawang senior citizen makaraang masunog ang kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City.

Hindi nakalabas ng bahay ang mag-asawa matapos sumiklab ang apoy ngayong Miyerkules (Feb. 5) ng umaga.

Hindi na nagtaas ng alarma sa sunog dahil mabilis itong naapula ng mga bumbero bago pa kumalat.

Gayunman ayon sa Quezon City Fire Department, maaring suffocation ang ikinasawi ng mag-asawa.

Iniimbestgahan pa kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

 

Read more...