Bilang ng mga nasawi sa novel coronavirus nadagdagan pa sa magdamag, umakyat na sa 492

Umabot n a sa 492 ang bilang ng mga nasawi sa novel coronavirus.

Ito ay makaraang makapagtala ng 65 na panibagong bilang ng nasawi sa China at 1 sa Hong Kong sa nakalipas na 24 na oras.

Nakapagtala din ng dagdag na 3,165 na mga kaso kaya umakyat na sa 23,874 ang kabuuang bilang ng naitatalang kaso ng 2019-nCoV.

Maliban sa China na nakapagtala ng mahigit 3,000 bagong kaso, may nadagdag ding mga bagong kasi ng sakit sa Thailand, Singapore, Japan, Hong Kong, South Korea, Australia, Taiwan, Malaysia, Macau, Vietnam, Canada at Belgium.

Read more...